Awtoridad

Ang pagkakatatag sa Organisasyon ay isang malaking pagkakamali, at ang mga panuntunan nito ay isang maling kahangalan. Dahil sa mga pagkukunwari at manipulasyon ng maraming mga karakter sa iba't-ibang kwentong napapalibutan ng mga pangyayaring nakapangingilabot upang magkamit lamang ang pagkakamal ng kakaibang kapangyarihan, ang mga kwentong lalong palalo ay nagsimulang lumutang at mamayagpag sa isipan ng marami kasabay ng iba pang mga kaalaman.

Marami silang naging pangako noon upang buuin lamang ang mga elemento ng kapangyarihang ito, subalit ang mga pangakong ito ay naglalarawan sa isang sitwasyon o mithiing hindi maaaring magtagumpay sa maraming kadahilanan, at ang lugar na pilit ipinipinta ng mga traydor na ito ay isang masahol na lugar pa pala, higit na pangit at kahindik-hindik; hindi ito ang inaasam ng karamihan sa kanilang nalinlang. Nabigo ang lahat, at ang Organisasyon ay lumago, hindi upang tuparin ang napag-usapang karangyaan kung hindi bilang isang negosyo ng mga berdugo at halang ang kaluluwa.


Mahirap ipaliwanag ang mga pangyayaring sumunod matapos maisabatas ang organisadong pagkilos na ito na siyang bumalangkas sa rebolusyon ng mga kapangyarihang nauukol sa pwersa ng literatura na tulad nang lahat ay minimithi rin ng marami sa mga kaluluwang umaasa lamang sa mithiin at dangal ng mga salin ng kwentong ito.

Sa bawat pag-usad ng mga mapagkunwaring layon, mas umusbong pa ang kasamaang ginagawa sa dilim, sa gitna ng mga pahina, at sa mga wakasang limbagan na inaabangan ng madla. Napuno ang layon ng mga pagkakataong hindi inaasahan, bagaman bago ang konseptong inilalako sa silid ng maangas na karunungan subalit tunay na naging salot sa lipunang ginagalawan sa huling pagkakataon.

Naging pighati na lang bigla ang mga inaasam na pangarap. Peke nga ang mga publisidad at materyal; huwad silang lahat! Mapagkunwari! Makinig kayo, iyan ang iyak ng mga awit ng sensitibong puso! Magsipag-aklas kayo! Lqbanan ang kamunduhan at kamalasan! Kumawala sa tanikala ng mapaniil na awtoridad!

x-------------x

Ang maiikling kwento ay inihatidd ng National Bookkstore.

Comments

Popular Posts