Kami

"Wala na akong magagawa pa. Nagsalita na ang mga kagawad ng Lupon. Akala mo ba ay hindi kayo mahuhuli ng Organisasyon? Anong ginawa ninyo? Bakit sumira kayo sa usapan?"

"Hindi kami ang tunay na nagpatakas sa kanya."


"Kung hindi kayo, edi sino? Huwag ninyong sabihin na sinungaling ang mga testigo? Alam na alam naman ninyo na napakatagal na panahon nang pinipilit na maaresto ang babaeng ito, at pagkatapos ay pinatakas lamang ninyo nang walang kahirap-hirap? Dapat nga lamang kayong usigin. Wala na akong magagawa pa sa sitwasyon ninyo."

"Hindi sila kundi kami . . . Hindi sila kundi kami . . . Hindi sila kundi kami . . ."

"Ano kamo?"

"Hindi sila kundi kami . . ."

"Anong --?"

"Hindi sila kundi kami . . ."

"Totoo nga ba? Marcelo? Sino ito? Anong ginawa ninyo sa kanya? Saan ninyo itinago ang mga Bida?"

"Hindi sila . . . Ha, ha, ha . . . kami."

x----------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Shakey's.

Comments

Popular Posts