Kutob

Hanggang kailan kaya ako hahabulin ng anino ng aking nakaraan? Saan kaya nanggagaling ang mga kutob ko? Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko nitong mga nakakaraang araw? Napakarami kong tanong. Bagay nga yata talaga ang kurso kong kasaysayan sa aking personalidad. Napakarami ko kasing katanungan tungkol sa mga lumang kwento ng nakaraan.

Minsan, nakapanood ako ng pelikula tungkol sa isang halimaw sa silid. Sa gulat ko sa isang eksena ay napasigaw ako sa gitna ng sinehan. Nagulat din naman silang lahat kaya ayos lang din naman siguro. Hindi naman bawal sumigaw lalo na't nakakatakot ang palabas.


Sa pelikulang iyon, marami raw klase ng halimaw. Madalas, ang mga halimaw daw ay madalas na ginagawa ng lipunan. Tayo raw ang nanakit ng mga tao. Tayo raw ang humuhusga sa kanila. Tayo ang sumusugat sa kanila. At minsan, tumatanim daw ito sa kanilang gunita. Kapag masyado na raw silang sugatan, nagiging mabangis sila at lagi na nilang dinedepensahan ang kanilang mga sarili. Alam kasi nilang dumarating lamang ang mga tao sa kanilang buhay upang saktan sila.

Tunay nga, maraming mga halimaw ang hindi mukhang halimaw. Madalas, sila ay hakatago sa mga anino ng tao. Nag-aabang. Nakakubli. Naghihintay lamang ito ng tamang pagkakataon upang sumalakay. Para itong sakit na nakakapit sa ating nga anino.

Totoo. Kailangang maging maingat tayo sa pakikipagkapwa-tao.

x----x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Sky Ranch.

Comments

Popular Posts