Kalikasan

Sino ba naman sa atin ang hindi nahuhumaling sa Lunsod ng Baguio? Malamig ang klima at maraming mga puno. Maraming mga pwedeng puntahan at malimit din na destinasyon ng mga turista. Pero habang lumalaon, sa bilis ng urbanisasyon, nasisira na ang kalikasan. Nawawala na ang kalikasan.

Pero tuwing kaarawan ko, pumupunta talaga kami ni Ramir dito upang magmuni at magpahinga. May gandang rikit pa rin naman ang Camp John Hay sa gitna ng lahat.

Madalas, pinagmamasdan ko lamang ang mga Pine Trees sa paligid. May dulot itong saya sa akin na hindi ko maintindihan. Napaka-sentimental ko talagang tao kaya kumuha ako ng kursong kasaysayan sa dalubhasaan sa pamantasan. Gusto kong binabalikan ang kwento ng ibang tao.


Pakiramdam ko kasi, ang mga puno ay parang historyador din. Sa tagal na nila sa mundo, sigurado ako, marami na silang nakitang pitak sa kasaysayan na kahit tayo ay hindi natin alam.

Kaya nga, simple lang naman akong magdiwang ng kaarawan ko. Ayoko kasi ng magulo. Pribadong tao kasi ako. Kaya't matapos namin kumain ng hapunan ay umuwi na kami.

Habang dumidilim ay pinagmamasdan ko ang mga puno. Nagdudulot kasi ito ng kalma sa aking sistema. Madalas ko lamang silang titigan.

Hindi ko namalayan ang oras, at habang dumidilim ay may napansin akong mata sa gitna ng mga puno. Kulay pila ito at parang mabangis. Napatayo ako sa aking upuan at napaatras.

x-----x

Ang larawan ay mula sa Pixabay.

Comments

Popular Posts