Listahan

Labing-Isang Bagay na Importanteng
Alamin Panlaban sa Mga Aswang
(At Iba Pang Elenentong Mga Sumisipsip)

Subok na Epektibo at Mapagkakatiwalaan
PS: Wa Echos Ito at Kailangang Seryosohin
(Mas Totoo Pa sa mga Listahan ng Utang, 'Day!)


  1. Anting-anting: Kadalasan ito ay gawa sa bakal, special gem, at mga bato. Mayroon ding gawa sa halaman o hayop. 'Yung iba ay gawa sa bala ng baril.
  2. Krus: Maging sa mga bansang Kanluranin, ang crucifix o krus ay isang matibay na panangga sa masasamang espiritu. Nasusunog diumano ang mga kampon ng kadiliman sa sandaling madikit sa kanila ang krus.
  3. Buntot pagi: Tepok raw ang Aswang sa sandaling mahataw ito ng buntot pagi o latigo. Pinaniniwalaang mabisang panangga kontra sumpa at kulam.
  4. Inihaw na Hito o Kahit Anong Isdang Walang Kaliskis at Gatas ng Kalabaw: Mag-ulam, uminom at kumain (umiwas hangga't maaari sa NFA rice) upang magkaroon ng lakas at sigla; ang gatas ay magpapaalab sa sidhi ng debosyon. Itinuturing din ng mga mambabarang na mabisang panlunas sa siniraang damdamin na dulot ng mangkukulam.
  5. Bolo: Normal nang sandata ito ng mga Pinoy sa bukirin, pero epektibo ring panlaban sakaling makaaninag ng manigno at atakihin ng Aswang.
  6. Palaspas: Mabisa lalo na kung may bendisyon ng pari. Maswerteng kulay ay pula. Umiwas sa numero singko.
  7. Walis: Takot daw ang mga Aswang na pasukin ang bahay kung mayroon itong walis na nakabaligtad sa tabi ng pinto.
  8. Tu-ob: Isang ritwal para itaboy ang masamang espiritu. Ito ay ang pagpapakulo at pagsunog ng iba't-ibang uri ng damo sa bao at inilalagay sa isang upuan ng sinasaniban.
  9. Bawang: Ang masangsang na putok ng amoy nito ay ang nagtataboy sa iba't-ibang uri ng Aswang. Isinasabit sa hamba ng pintuan at mga bintana para hindi mapasok ang bahay.
  10. Asin: Inilalagay ito sa bawat sulok ng bahay upang hindi pamahayan ng masasamang espiritu. Mainam din na pampalasa sa lahat ng klase ng lutuin.
  11. Holy Water at Banal na Langis: Mabisang pantaboy ng lahat ng kamalasan dulot ng mga lamang lupa. Ayon sa alamat, umuusok raw ang mga elemento kapag nadiligan ng banal na tubig at napahiran sa noo at kamay ng banal na langis.
x---------------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Walter Mart.

Comments

Popular Posts