Tinig

 Sino siya? Bakit kasama mo siya?

Hindi naman talaga ang Organisasyon ang tunay na umaalipin sa atin, kung hindi ang ating mga sarili.

Walang ibang dapat sisihin kung hindi ang ating mga pagkakamali at ang ating mga minimithi na kamunduhan. Bakit idinadamay mo ang nangyari sa iyo sa mga taong walang ibang hinangad kung hindi mahalin ka? Ikaw ang nagdesisyon sa buhay mo. Ikaw lamang at wala nang iba pa.

Kung sa pagtanaw mo sa malayo, kung nasaan ka man, sana'y maalala mo ang mga oportunidad na ibinigay sa iyo upang magbago at nawa'y ang mga ala-ala ng kahapon ay magdulot ng panandaling pagpawi sa init ng iyong kinahinatnan.

Siguro nga ay sapat na sa ating pagtungo sa walang hanggang katapusan na tayo ay minahal nang lubos. Sapagkat sa harap ng kabiguan sa pag-ibig, ang tanging mananatili sa ating mga kaluluwa ay ang bahid ng pag-ibig na ito, at iyon ay ang ating mga kaluluwa mismo.

Tayo ang gumagawa ng swerte. Tayo rin ang nagdudulot ng kamalasan.

Ang pag-ibig ay bulag sa pagdurusa; kung tunay ang pag-ibig, wala na ngang ibang nanaisin pa. 

Huwag nating i-asa sa Organisasyon ang ating kinabukasan, sa mga salaping madaling mawala, sa mundong puno ng sala, at sa ating mga sariling lakas.

Ang apoy ng pag-ibig ay parehong nakagagaling at nakalalapnos. Isang kabalintunaanan ng misteryo ng pananampalataya.

Ang lahat ng ginawa ng tao ay para sa kanyang sariling kabutihan. Kung walang dulot sa kanya ang mga nilikha ng kanyang mga kamay, para saan pa ang inilaang panahon ng lumikha para sa kanyang mga likha?

Kung nasaan man ang kaluluwa, naroon ang kanyang langit o ang makalupang dulot ng kasalanan. Hindi kailanman mapahihindian ang kalikasan ng kapangyarihang hindi nagmamaliw.

Tinawag ka sa pangalan, bagaman kinapos. 

x--------------x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts