Utak


Sa labas, sa loob
Inakay sa tamang 
pagbubukas-loob
Mga awit at sining
Tumutukoy sa mga ala-ala
At mga gawaing pisikal
Pati ang puso at kaluluwa
Lahat ay tumatakbo
Nag-aaya ng komento
Sa pagsulat ng panitikan
Walang ano mang laman
Mga hindi kaaya-aya
Kalagayang tumama
Subalit sa paglipas ng panahon
Lahat ay nagmamaliw
Bagaman may pag-ibig
Kamatayan ma'y tiyak
Tila ang Kontrabida'y
Walang anumang nag-tiyaga
Sa paghahanap ng hustisya
Ang mga arestong palpak
Mga pagmanalabis
Sa dami ng krimen
At mga sinabotaheng
Karakter, diwa, at sining
Bida man o maging ang Lupon
Walang organisadong pagpupulong
Naganap man, may mga patotoo
Sumaksi sa kalunos-lunos na 
Kalagayan ng pag-ibig
Pangalang marikit
Walang nagawa ma'y
Sa kapangyarihan
Bilangguan ang hinantungan
Tila lahat ay maayos na
Ngunit,
Sa dilim ng gabi 
Silang nakakulong
Ang tinig ay naririnig
Sa pag-uutos ng bilanggo
Lahat ay sumusunod
Sino siya?
Sino ang tunay na may may-sala?
Sino ang utak ng himagsikan?
Walang nais magsalita
Samantala . . .

"Nasaan ka...?"
"Huwag mo kong iiwan!"
Tulong! Tulong!"
"Bilisan ninyo!"
"Makakatakas siya!"
"Tumawag kayo ng mga Aswang Pulis!"
"Mga traydor!"
"Pigilan ninyo ang mga taksil na 'yan!"
"Huwag kang kikilos!"
"Mamamatay ka! Kamay sa likod!"
"Hindi ako ang gumawa!"
"Huwag ninyo akong pagbintangan!"
"Bitawan ninyo ako!"
"Huwag kang gagalaw!"
"Malalanan ito ng Organisasyon, tumigil ka!"
"Itikom mo ang iyong bibig."
"Huwag mo kong sigawan!"
"Magbabayad kayo sa mga ginagawa ninyo!"
"Wala ka nang nagagawa."
"Bakit ako? Anong nangyari?"
"Mga mamamatay tao!"
"Sugapa sa kapangyarihan!"
"Mga adik!"

x-------------x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts