Ulirat

Sa pagbalik ng kanyang ulirat
Lumiwanag ang lahat
Para sa kanyang diwa
Nanaig ang katotohanan
Sa pagnanais niyang alamin
Ang tunay na pangyayari
Ay naging Kontrabida
Ang kanyang sarili pagnanais

Maging ang mga Bida ay naliligalig
Sa lagay ng panahon
Naging mahirap ang pag-ahon
Kahit nga ba
Ang papel ng Organisasyon
Tila naging sabog
Wala ni isa'y tumugon
Sa tawag ng panlilinlang ng panahon


Kaya't huwag maging bulag
Ngayon ay magsigising na!
Wala man lang mapapala
Sa idinidikta ng madla
Sa panahong
Sinusubok
Binibigla
Kinikilatis
Ang tunay na palalo
Nagkukubli
Nagtatago
Ang pagkatao
Sa pagkakataong
Pumipili sa tama at mali
Sa dilim ng buhay
Dumating ang mga salot
At kung anu-ano pang
Problema ay lumilitaw
Na takot ay tunay na dulot
Agam-agam ang naging sagot
Kaya't huwag pabigla
Gulat ay walang-wala!
Kaya't bumangon na't magdiwang
Alamin ang pagkakataon
At piliin ang hinihinging
Sasapat sa pagiging aktor
Papel para sa partisipasyon!

x------------x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts