Sira

Nakatanaw ang Aswang Pulis sa kawalan habang may hinihintay na Kontrabida na lumabas mula sa bahay na iyon. Simula noong iniatas sa kanya ang kasong ito ay nagsimula nang maganap ang mga mahiwagang bagay sa kanyang buhay.

May mga kahiwagaang nangyayari na normal lamang kung tingnan ng karamihan at maging ng Organisasyon; subalit may mga hiwaga rin na hindi nalalaman kung saan nagmumula. Tunay na nakakatakot ang mga paramdam na ito dahil maaaring ito ay mga espiritung kaaway ng pamunuan ng Organisasyon na nagsimula pa noong mga matandang panahon.


Pilit niyang itinatakwil sa kanyang isipan ang mga tanda at panganib na kanyang nadarama. Kung mas lumalala pa ang mga panganib mula sa kanyang mga nakikita at napapansin sa kawalan ay balak na niyang sabihan ang Lupon ng Organisasyon.

Ngunit ngayon ay kailangan niya munang sundin ang tawag ng tungkulin bilang isang Aswang Pulis, bagaman may bumabagabag sa kanyang sarili at kaluluwa. Matama niyang minamasdan ang kapaligiran kung sakilang mas lumala pa ang mga elemento ng kapaligiran na magpapasidhi pa nang lalo sa kanyang sitwasyon. Alam niyang natatanaw niya ngayon ang tunay na pagkasira ng mga bagay na importante sa dako pa roon at natitiyak niyang may nais sabihin sa kanya ang bawat pag-ihip ng hangin.

x-----------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Bacolod Chicken Inasal.

Comments

Popular Posts