Pakikinig

Paano nga ba nagsisimula ang dapat na disposisyon ng taong gumaganap? Bilang bida nga ba, katulad ng gusto ng lahat. Mga bida na madalas ay sila pa nga ang mga tunay na may sala at may kagagawan ng lahat. Kung sino pa ang nagpapakilang bida ng istorya lalo na sa pagkukwento nila ng naganap sa kasaysayan, sila pa ang tunay na masama.

Tunay nga na Organisado ang kanilang pagkilos, nangangailangan ng nararapat na mga salita upang pasamain ang mabuti at ang mabuti ay pasamain. Para silang mga ahas na naghuhunos lamang ng balat upang maging mas malaking ahas. 



Sa gitna ng lahat, magaganap na ang tunay na laglagan. Ang mga nagnanais na maging bida ay biglaang naging Kontrabida. Bilang aktor sa lipunan, ikabibigla ito ng tao. Magugulat ang lahat, maging ang manipulasyon ng Organisasyon. Darating na ngayon ang mga panghuhusga ng madla, ang mga kasong gawa-gawa lamang ng mga kuro-kurong palalo. Ang mga Kontrabida ay ipapakain sa mga gutom na leon upang ipaglaban ang nararapat.

Siya nga ba ay Kontrabida? Ang mga Aswang nga ba ang may sala? Nasaan ang Lupon noong sila mismo ay nalinlang ng mga rebeldeng pangako?

Sa pakikinig sa ibinubulong mismo ng hangin nararapat na ibase ang gampanin sa buhay, hindi sa dikta ng mga taong echusero. Walang taong ganap na masama kung hindi siya pinajain ng lason sa isipan. Ang tao ay nararapat na matutong magsuri ng mga literaturang nagbubukas sa pintuan ng katotohanan.

Hindi lahat ng nagsisilbi ay tunay na naglilingkod.

x-----------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Chooks-to-Go.

Comments

Popular Posts