Paglisan

Hindi talaga namin nais lisanin ang bahay na iyon. Marami kasi kaming ala-ala na nabuo roon, wala lamang talaga kaming iba pang pwedeng gawin. Ang sabi ni mama isinumpa raw ang silid na iyon. Doon kasi nahuli si papa na nakikiapid sa kanyang kalaguyo.

Marami ang nagsasabi na asawa raw ng Aswang ang kabit ng papa, pero parang ang hirap namang paniwalaan noon. May mga kababalaghan pa bang nagaganap sa panahon natin ngayon? Pero sabi ni mana, kung hindi raw kami sasama sa kanya ay malulubog din kami sa kumunoy ng sumpa na iyon.



Hindi raw namin kakayanin ang bigat ng parusa ng sumpa. Hinding-hindi.

Ngunit alam ko na parang malas nga ang silid, at hindi kami pinayagan ni mama na magsalita sa kung ano ang nararamdaman namin tuwing may magpaparamdam sa loob ng bahay. Nais kasing ibenta ni mama ang bahay bago kami umalis papuntang Amerika upang doon na permanenteng manirahan.

Ang hindi nga pala alam ni mama ay mayroon akong kaibigan sa bahay na iyon, simula noong ako ay bata pa. Parang hindi ko kayang iwan ang kaibigan kong iyon. Kahit isa lamang siyang espiritu, alam ko na isa siyang tunay na kaibigan na maaasahan at laging sumusuvaybay sa akin.

Ang sabi niya, ang mama raw ang tunay na nagtaksil at idinadahilan lamang niya ang aking papa. Sa kanyang paglalahad ng kwento, bigla niyang napagtanto ang merito ng pagtataksil ng kanyang mama.

Pero hindi na siya kumibo.

Alam niyang hindi pa natatapos doon ang kanyang pakikipagkaibigan sa espiritu. Kaya't gumawa sila ng paraan.

Ninais niyang pumasok ang espiritu sa kanyang gunita. At sa pagpasok nito sa kanya, nakaramdam siya ng init at lakas.

"Beatrice, nasaan ka ba? Kanina pa kita tinatawag. May naghahanap sa iyo sa labas."

Iminulat niya ang kanyang mga mata. Isa na siyang bagong nilalang.

x-------------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Max's Restaurant.

Comments

Popular Posts