Tubig

Huli na ang lahat nang marinig niya ang ingay ng rumaragasang tubig. Nanggaling ang tubig alat mula sa kusina sa pintuan sa kanyang kaliwa. Wala nang iba pang pwedeng gawin upang protektahan ang kanyang sarili maliban sa paggamit ng kanyang Retina.

Sabay sa pag-ilaw ng kanyang mata ay dumaloy ang tubig-dagat sa lahat ng dako ng silid maliban sa kanyang sarili, habang pinoproptektahan ng kulay na dilaw na ilaw na nanggagaling sa Retina ang presensiya ng kanyang pagkabida.

"Ipakita mo ang iyong sarili. Lumabas ka!"


Pagkabanggit nito, lalong nagalit ang tubig alat at lumakas ang mga pag-alon nito sa loob ng silid, tila mas naging determinado ito na siya ay lunurin at patayin. Subalit mabilis ang kanyang pagdepensa sa kanyang karakter sa Organisasyon. Ang kanyang Retina ang gumawa ng lahat ng paraan upang maging organisado ang bawat galaw ng kanyang ulo at mata kaya't mainanm niyang napagtanto ang mga elemento na bumabagabag sa lugar na iyon.

"Hindi ka magtatagumpay. Bumalik ka sa kasaysayan ng iyong pagkatao at umalis ka sa lugar na ito."

"Wala kang pakialam!" tumugon ang boses sa kanya. "Ikaw ang umalis sa aling tahanan!"

Biglaang narinig ang pagsabog sa kisame ng bahay habang patuloy na umaatake ang rumaragasang tubig.

Patuloy sa pag-iral ang kanyang Retina habang hinahanap ang posibleng kinaroroonan mg Kontrabida at ang Gintong Rebolber na responsable sa mga kababalaghan sa lugar na iyon.

x-----------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Robinsons Galleria.

Comments

Popular Posts