Kalatas

"Hindi maaari ito! Kailangang makita ng Lupon ang mga dokumentong ito. Hinding-hindi ito dapat palagpasin!"

"Makinig ka. Hindi lahat ng bagay ay nangangailangan ng reaksyon. Itikom mo ang iyong bibig bago ka pa mapahamak."

"Subalit ang akala ng lahat ay siya nga ang may kasalanan. Nililinlang nila ang Organisasyon mismo."


"Ano ang mapapala mo kung kikibo ka, sige nga? Idadamay ka nila. Hindi mo nalalaman ang lakas na taglay ng Liga ng mga Kontrabida. Huwag mong isali ang iyong sarili sa away ng iba!"

"Handa akong ibulgar ang katotohanan!"

"Para ano? Patayin ka rin nila? Huwag kang hibang! Imulat mo ang iyong mga mata sa realidad ng buhay."

"Kung ayaw mong tumindig, ako na lang. Hindi kita pipilitin na samahan ako."

"Huwag kang baliw. Huwag mo silang kontrahin. Kahit magsalita ka wala ring maniniwala sa iyo. Mas importante anv kapayapaan kaysa pumasok sa isang sitwasyong puno ng tunggalian!"

x------------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng SM Retail at Goldilocks.

Comments

Popular Posts