Tugma

"Joaquin? Ikaw ba 'yan?"

"Ha? Sino po sila? May tao po ba riyan?"

"Joaquin! Ikaw nga!"

"Nasaan po kayo?"

"Ang laki-laki mo na anak."

"Guys, naririnig niyo ba 'yun?"


"Ang alin?"

"'Yung boses! Tinatawag niya ang pangalan ko."

"Boses?"

"Oo. Boses ng babae."

"Anong boses? Wala naman kaming naririnig."

"Joaquin! Anak, kumusta ka na?"

"'Yung tinig na iyon! Narinig niyo ba?

"Wala naman ah? Anong tinig? Tinatakot mo naman kami e."

"Hindi ako nagbibiro. May tinig ng babae. Tinatawag niya akong anak."

"May hiwaga ja bang nararamdaman sa loob ng bahay, Joaquin? Nakakatakot naman."

"Oo. Meron talaga."

"Tumutugma ba ang lahat ng sinasabi nila tungkol sa awra ng lugar?"

"Malamang sa oo. Tama ang impormasyon nila. Marami ngang hiwaga ang nananahan sa silid na ito."

x------------x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts