Kwintas

"Joaquin, naaalala mo pa ba ang kwento na sinabi ni lola tungkol sa kwintas na 'yun? Parang may ibinigay siyang detalye tungkol sa pendant na hindi ko na matandaan."

"Sino ba, si lola Corimg?"

"Oo, siya nga."

"Ang pagkakatanda ko, ibinigay sa kanya ng namayapa niyang asawa ang kwintas na 'yun bilang proteksyon sa mga Espiritu ng Dilim. Parang gamit ng anting-anting ba. 'Yung pendant na sinasabi mo, baka 'yun ay 'yung pangil ng isang pating na galing pa ng Australia. Importante kasi ang kwintas na 'yun kasi alaala ni lolo Bernabe sa kanya."

"Ah, talaga? Bakit nga pala alam ni lola ang tungkol sa mga Espiritu ng Dilim?"


"Mapamahiin lang talaga si lola Coring. Punong-puno siya ng mga kwento tungkol sa iba't-ibang mga alamat at mito. May mga totoo naman sa mga kwento niya, pero madalas gawa-gawa lang upang aliwin ang kanyang mga apo. Pero mas marami siyang nalalaman tungkol sa mga sikreto ng mga Aswang."

"Mga sikreto? Anong sikreto?"

"Alam mo para kang si Beatrice kung magtanong tungkol sa mga Aswang. Hindi ba nga lumipat na ng bahay sina lola Coring matapos silang gambalain ng mga multo upang mapilitan silang bakantehin ang bahay na iyon? Ang alam ko, nagpaparandam raw ang mga ito, at marami silang naririnig na mga nakakatakot na mga tinig. Mga boses ng kababalaghan sabi nila. Hanggang ngayon nga wala pa ring nais bumili ng property na 'yun simula nang mabalitaan ang mga pagpaparandam ng mga multo roon. Halos sira na nga ang bubong ng bahay dahil napabayaan na talaga."

"Mayroon-- may apo si lola?"

"Oo naman, ano ka ba? Hindi ba nga sa London pa siya pinag-aral ni lola Coring?"

"Talaga? Nasaan na siya?"

"Sino? Si lola Coring?"

"Hindi. 'Yung apo niya."

"'Yun nga ang problema nina lola ngayon. Nawawala si John. Walang nakaaalam kung saan siya nagpunta. Ang kutob ni lola Coring, itinatatago siya ng mga Espiritu ng Dilim."

"I- ibig sabihin, siya ang tinutulungan nating hanapin? Ganun ba?"

x-----------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng IKEA Philippines.

Comments

Popular Posts