Binbin

Lahat sila ay naaalala ang kasong iyon.

Napaka-kontrobersyal. Lahat nakikisali.

Sa mga diskusyon. Lahat gustong kumuda.

Maging ang mga Kontrabida ay naguguluhan na rin. Para saan nga ba ang kasong ito? Bakit ngayon lang?

Mayroon bang ninakaw? May mga tao bang gustong manipulahin ang sistema? Totoo nga ba ang ibinibintang nila laban sa mga Aswang?


Usapin nga ba ito ng batas? Bakit ang mga pangalan ng mga Aswang Pulis ang kinakaladkad nila? Bakit ipinipilit nila ang mga aksyon na ito upang baligtarin ang buong pangyayari?

Wala nga. Wala na nga.

Ngunit alam ng marami ang politika na bumabalot sa kalakaran sa Organisasyon. Nakakapit sila na parang tuko. Naghihintay. Nakamasid. Mga oportunistang nakatanghod sa balita na magkamali ang mga Bida-Kontrabida.

Mga traydor. Nakabantay ng tamang panahon upang tumuklaw. Bantay salakay.

Mga ipokrito!

Hindi ba't kayo ang may sala? Bakit ninyo binabaligtad ang mga argumento upang pumanig sa inyo ang Lupon? Binababoy ninyo ang Organisasyon! Kayo ang tunay na mga salahula!

Maitim ang mga budhi. Ano mang pagkamot ninyo sa balat na makati ay hindi na mapapawi ang nakaiiritang kulugo ng mga sumpang kayo rin naman ang may gawa!

Gaganti ang panahon. Gaganti sila sa inyo. Sapagkat ang lahat ng amoy bulok ay sumisingaw!

x------------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Chowking.

Comments

Popular Posts