Talastasan

"Kuya, pwede po bang magtanong?"

"Ano 'yun, miss?"

"Gusto lang po naming malaman kung sino ang may-ari ng bahay na nandoon? Gusto po sana naming makausap para sa isang project sa school."

"Aling bahay ba, 'yung nasa gitna? 'Yung medyo luma na?"

"Opo, kuya. 'Yun nga po."


"Ah, 'yung bahay ba na 'yun? Matagal nang nasa Amerika ang may-ari ng bahay. Gusto nga sana nilang maibenta 'yan bago sila makaalis pero wala namang gustong bumili."

"Ganun po ba? Bakit naman po? Maganda naman po ang disenyo ng bahay."

"Ang alam ko kasi, hija, may napatay sa bahay na 'yan bago nabili ng mga nagmamay-ari nito ngayon. Palibhasa kasi parang ipinamigay na lang ito sa napakamurang halaga."

"Ano pong naging problema?"

"Sinubukan nilang paupahan ang bahay oero walang nagtatagal. Ang balita namin, may nagmumulto raw sa loob ng bahay, lalo na sa silid kung saan napatay si Beatrice."

"Nakakatakot naman po pala. Gusto po sana naming gawing location ang bahay para sa ginagawa naming proyekto sa lursong Media Arts pero paramg huwag na lang."

"Sige, hija, mauna na ako sa inyo. Mag-iingat kayo sa mga lugar na hindi ninyo kabisado lalo na sa bahay na 'yan."

x----------x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts