Patay

Kung nasaan ang patay
Naroon ang mga buhay
Mga kwentong palalo
Mga diwang tulog
Sa gitna ng mga gising
Sila ay nagkukubli
Hindi ba tulisan din
Silang nagnanakaw sa dilim?
Bagaman kaluluwa'y
Walang sawa sa hapis?
Wala ni isa ay mabuti
Lahat ay nasa lihim
Pagnanakaw, kayamanan
Mga pamahalang sawi!



Sa pera sila ay silaw
Magnanakaw na garapal
Halang ang mga kaluluwa
Mga Aswang na walanghiya
Mga kapulisyahang gahaman!
Mga awtoridad na peke
Labanan ang Organisadong diwa
Upang bumagsak
Pamahalaang sa ganid ay wagas
Kumilos! Lumaban!
Mga biktima ng Aswang,
Huwag pigilang maki-isa!

Aswang ay patayin!
Lipulin ang mga lapastangan
Silang uring magnanakaw
Mapaniil, mapag-panggap!
Sa mga kaluluwa sila ay ilantad!
Modus operandi, ating i-hayag
Hanggang sa huli, itaboy
Lagyan ng mga bantay ang ataol
At isiwalat ang mapang-hamon
Mga Aswang ang mamamatay tao!

Huwag ninyong paniwalaan
Mga halimaw ang pulisya!
Sila ang tunay na kaaway
Sa Organisasyon nating mahal
Itapon, sipain, itaboy!
Aswang! Aswang!
Mga kultong lihitimo
Sila ang pumapatay ng hayop!
Labanan! Kumilos!
Patayin, patayin
Mga halang na Aswang!
Organisadong katangahan
Na dapat lamang dikdikin!

x---------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Megaworld Lifestyle Malls.

Comments

Popular Posts