Kaso

"Nalalaman ninyo ang lahat ng bagay, hindi ba? Nasaan ang akusado? Bakit wala siya rito? Hindi ba't naaresto na siya?"

Nakaupo sa kanilang lugar ang mga Kasapi ng Lupon ng Organisasyon, maging ang mga Bida sa kanilang nararapat na pwesto para sa panig ng mga taga-usig. Puno rin ng mga tao ang silid kung saan gagawin ang paglilitis.

"Nakikiusap ako sa Organisasyon. Ilabas ninyo ang traydor na babaeng ito! Hindi siya nararapat na ipagtanggol ng Liga ng mga Kontrabida. Wala na siyang saysay na mabuhay pa."


Nagbulung-bulungan ang mga tao habang hinihintay na magsalita ang Lupon. Napuno ng tensiyon ang kapaligiran. Walang sinuman ang nangahas umimik, maliban sa isang matapang na kasapi ng Liga ng mga Kontrabida.

"Ipagtatanggol namin siya."

"Ano? Bakit? Nasaan ang traydor! Ilabas ninyo siya upang mahatulan na ng Organisasyon!"

Nagbulung-bulungan muli ang mga taong naroon para manood sa pagdinig. Nalalaman nila ang puno't-dulo ng lahat ng ito. Isang iskandalo ang kasong ito. Tungkol ito sa kamatayan at sa pagmamana ng sumpa. Tungkol din ito sa kayamanang ninakaw mula sa kaban ng pamayanan na nahita sa ilegal na pamamaraan at laban sa mga kautusan ng Organisasyon tungkol sa mga bagay-bagay na inilihim mula sa kamalayan ng madla noong una pa man.

Kailangang may managot sa organisadong pang-uumit na ito.

x-----------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng IKEA.

Comments

Popular Posts