Paralisado

Alam niya eksakto kung ano ang nakita niya. Totoo ngang may multo sa lugar na iyon. Ilang beses na rin niyang napatunayan ang mga kababalaghan na nangyayari sa lugar bagaman hindi siya tunay na naniwala noong una.

Subalit ngayon, higit na mas malalim na ang kanyang kaalaman hinggil sa kanila, lalo na sa mga multo, ngunit mas pinili niyang manahimik na lamang muna. Alam niya kasi kung ano ang naging sakit ni Mang Pedring. Hindi lang siya basta tinamaan ng aksidente sa gulugod na naging dahilan ng kanyang kalagayan bilang paralisado.

Siya ay ginagamit ng mga multo bilang isang medium. May nais silang makuha sa lugar na ito. Sa dakong ito. Karamihan sa mga naising ito ay unti-unting kumakain sa kanyang lakas at kaluluwa.


Walang naniwala kay Mang Pedring kung ano ang tunay na nangyari sa kanya noong isang araw na siya ay bumalik mula sa gilingan ng palay. Kung paanong nagkaroon ng injuri ang kanyang buto sa likod, ito ay isang malaking kasinungalingan. Hindi siya ang may sala.

Marahil napaglaruan siya ng iba pang mga elemento na umiiral sa mundo at sa kalikasan. Noong nakapag-sasalita pa si Mang Pedring, may mga sinasabi siyang mga detalye tungkol sa nangyari noong araw na siya ay umuwi bago maging ganap na igupo ng sakit. Inakala na lamang ng kanyang mga kamag-anak na dala ito ng kanyang katandaan.

Walang naniwala.

Pero.

Alam niya ang naganap.

Nakakita ng Aswang si Mang Pedring.

x---------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng New Balance.

Comments

Popular Posts