Paglilitis

Tandang-tanda ko pa noon nang nililitis ng Organisasyon ang mga kaso laban kay Beatrice. Puno ang korte ng mga umuusig at nang-uusig, at ang mga paksa na tatalakayin sa paglilitis ay sadyang maselan.

May tula noon na naging popular kasabay ng mga kontrobersiya na kumukulapol kay Beatrice, at may mga isyu rin na ikinakabit sa mga Aswang Pulis at maging sa mga Kasapi ng Kagawaran ng mga Batas. May mga isyu pa noon na nagsasabi ng isang sistema ng korupsiyon na nakasisira sa integridad at katauhan ng mga Aswang Pulis.


Ang sabi ng isang sipi sa tula,

Kung nanaisin ng iba,
kalaban ay magdudusa
Subalit may panlilinlang
May away na malalim ang dahioan
Sa bawat pagtibok ng puso
At paglipas ng panahon
Ang Organusasyon man ay lulubog
Kahit anong pilit, lahat ay yuyuko
Kontra man o ang tinig ng umuusig
Ang mga depensa ay magaling man
Pero hindi nakikita ng mata
Ang balanse ng buhay
Walang nakakaalam

Walang nakaaalam sa tunay na basehan ng mga pagtutuos na ginagawa ng Konseho ng mga Bida, bagaman malinaw sa Organisasyon ang mga hinihingi ng batas. May mga operatiba pa nga noong mga panahong ito na inaakusahan ng sabotahe na unti-unting sumisira sa operasyon ng Organisasyon, maging sa tungkulin ng mga Bida.

Marami nang mensahe mula sa panitikan ang tinanggap ng Organisayon bilang legal na basehan sa mga kuro-kurong lumilitaw, subalit kakaiba ang kasong ito. Mahiwaga at puno ng misteryo.

Alam ko. Parating na ang delubyo.

x----------x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts