Mata

Para saan nga ba ang mga mata?
Para makakita ng kasinungalingan?
Upang manuri at mamintas?
Yakapin ang mga bagay na makamundo?
Sapat nga ba ang mga mata na makita?
Ang kasamaan sa kabutihan?
Nararapat nga ba?
Sila man ay may rebolber o pulis?
Dapat nga bang paniwalaan lahat?
Ang mundong mapag-panggap?


Dali-dali man tayong umasa
Sa maraming mga pangyayari
Ang katauhan at kasamaan
Silang mapanglinlang
Kung ang Organisasyon man
Ay lumitis nang patas
May nanalo ba?
May napatunayan nga ba?
Sino nga ba ang dapat i-bilanggo?
Silang sinungaling
O ang nakikinabang sa sistema?
Lahat ay balat-kayo!
Sino man ang nakararamdam
Makinig kayo!

Ang kalakarang walang patid sa sama
Sila man ay laging may duda
Sa mga bagay at ebidensiya
Mga lapastangan sa buhay
Sa prutas ng paggawa
Mga uring manggagawa
Sila man ay may pag-asa
Sa pula na kulay ng watawat
Maging sa estado ng lipunan
Ngunit nasaan sila? 
Itong mga ganid 
at halang ang kaluluwa?

Mga ipinagbabawal na gamot!
Mga adik sa nakaw na salapi
Malala na at namamaga, nagnanaknak
Silang bumibili laban sa madla
Patay man o buhay
Mga injuri mula sa salita

Mga produktong naka-bihadhad sa bangketa
Isang salok ng samalamig
Pawiin ang uhaw sa kalat
Manggagawang may dangal rin naman
Ito ay dapat mithiin natin
Bagaman mabigat ay dapat kayanin
Ang Organisasyon man ay lumabis!

x-----------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Cebuana Lhuillier.

Comments

Popular Posts