Antok

Iminulat muli ni Joaquin ang kanyang mga mata. Medyo nakakasilaw ang sikat ng araw at hindi niya alam kung nasaan siya ngayon. Pagkatapos masilayan ang araw ay napagtanto niyang nakahiga pala siya sa isang malaking kama sa gitna ng isang silid. Ang liwanag ay nagmumula sa malaking bintana sa gaeing kanan kung saan siya nakahiga.

Pinilit niyang tumayo subalit sobrang sakit ng kanyang balikat at mga binti. Tila may mabigat na bagay rin ang nakakabit sa kanyang mga paa kung kaya hindi niya ito maikilos ng maayos. 


Luminga-linga siya upang pagmasdan ang loob ng silid, at ngayon lamang niya napansin na may mga rehas na bakal pala ang mga bintana. Nakabilanggo pala siya. Ang lahat ay isang panaginip lamang.

Sa gitna ng katahimikan ng silid ay nakarinig siya ng yabag ng mga paa. Tila papalapit ito sa silid kung saan siya naroroon. May kumakalansing din na mga susi na sumasabay sa marahan na pag-ihip ng hangin mula sa bintana.

Biglang nagising siya sa kanyang pagka-antok. Alam niya kung nasaan siya. Hindi naman mahirap maramdaman ang presensiya ng mga Kontrabida at ang kanilang pagbabantay sa mga bilangguan ng Organisasyon.

x----------x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts