Sinungaling

Sa usaping salapi
Mga mapagpanggap
Mayabanng
Hambog
Mga linta ng lipunan
Silang sumisipsip ng dugo
Mga pang-uuto sa tao
Mga paghahandog
Sino siya? Sino sila?
Mukhang lulusot
Sa bawat kasinungalingan
Ang kanilang pusong salot
At sanay sa mga salitang
Mabulaklak
Mga kuro-kurong
Walang saysay
Sa bawat pagkagat
Sinakaak sa dilim
Dugo mo'y uubuusin
Sila ang tunay na hidhid
Aswang
Mga rebultong manhid
Patay
Makapal


Ano ang ninanais?
Mga abuloy na kinamkam
Sa pagkatakot ng iba
Sila'y yuumayaman
Namumunini sa kasakiman
Pera at kapangyarihan
At mga sinungaling na dila
Sa katotohanan ay wala
Subalit humaharap sa madla
Sa mga pamayanan
Sa altar-altaran ng Diyos
Humihingi ng kabayaran
Mang-uuto
Mga tunay na palalo!

Subalit, darating ang kamatayan
Nang hindi inaasahan
Sa bawat sandaling lumipas
Sila'y walang katuturan
Sa politiko sila'y gumagapang
Kumakagat
Inuubos ang dugo ng taumbayan
Mga mapagpa-imbabaw!
Mga lihim ay ibunyag
Mga tunay na magnanakaw

Mukang pera!
Mga rebultong patay
Mga talbog na cheke
At mga tunay na peke

Sinungalinng
Ipokrito
Mga saksak sa dilim

x--------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Cebuana Lhuillier.

Comments

Popular Posts