Patay

 Ang ating Organisasyon ay hinati-hati ayon sa mga pagpapahalaga ng mga katauhang bumubuo sa mga imahinasyon na ginagamit ng mga taong nakakakita sa mga bagay na hindi nahahawakan o hindi nakikita ng pangkaraniwang mata. Silang bumubuo rito ang siyang pinagkatiwalaan ng madla upang itaguyod ang mainam na gamit sa imahinasyon at sa mga kwentong nagsalin-salin na sa iba't-ibang henerasyon.

Ang mga mata marahil ang pinaka-makapangyarihang sandata na taglay ng mga taong pinagkalooban ng kakahayang makakita ng mas malalim na perspektibo habang nakatanaw sa misteryo ng buhay. Mas malakas pa ang sandatang ito sa mga kilalang rebolber, o sa mga Aswang o iba pang mga mito na bumubuo rin sa katangian ng mga organisadong panitikan.


Ang patuloy na pagtutunggalian sa loob ng Organisasyon ay patunay lamang na ang ating mga imahinasyon ay nagbibugay ng ambag sa maringal na pagdadambana sa buhay ng mga taong nagbibigay kulay sa mga kwento, at sa iba't-ibang katangian ng mahusay na panitikan.

Ito nga ang naging pinaka-importanteng mandato ng Organisasyon sa paglipas ng panahon: ang bantayan ang mahika na taglay ng mga manunulat at mga may-akda ng mga kwentong sumasalamin sa pagkakabuo ng dibuho ng mga organisadong paglalahad ng kundisyon ng pagdurusa, paagpapakasakit, at mga pagsubok.

Ang Organisasyon ang taga-bantay ng mga bagay na bumubuhay sa mga imahinasyon na may kakayahang bumuo ng mga bagong mundo. Ito ay tungkol sa buhay at pagbuo.

Ang Organisasyon ay ang masidhing pagnanasa upang ipagpatuloy ang buhay sa pagsakay sa pakpak ng imahinasyon. Kailanman ay hindi ito naging patay, katulad ng mga Aswang.

x----------x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts