Impostora

Nakakabuti sa tao ang paminsan-minsa'y
nasusugatan! Diyan nalilikha sa kanya
ang tatag at tibay! Diyan siya tumatalino!

***

May dalawang uri ng pagka-makabayan.
Una, yaong dinadakila sa pagpapakasakit;
at, ikalawa, yaong nagpapakasakit
lamang upang dakilain!

Mga sipi mula sa mga akda ni
Lazaro Francisco
Pambansang Alagad ng Sining


Sa lahat ng naisin
Sila ay matulin
Hindi kumukurap
Diretso ang tingin
Sa kanilang tungkulin
Sila ay malalim
Bagaman may unos
Ito ay pasubali
Sa maraming bagay
Sila ay nagtiis
Mula noon
Hanggang ngayon
Ang Organisasyon ay gumaling
Sila ay umayon
Mga pilit na desisyon
Sila ay natauhan rin
Naging mahusay ang bilihin
Kung ang bida man ay lumabis
May nakatalagang salapi
Upang sila ay payapain
Ang diwa'y linisin
Mga dapat gawin
Sa ala-ala ay nakadikit
Bagaman hindi kapilit-pilit
Sila ay nanalig
Kontrabida man ay tumigil
Ang Lupon ay naka-sandig
Sa katotohanan man din
Aswang man ay manalisi
Lahat ay susundin
Lalaban ang diwa
Pag-ibig man ay manimdim

x-----------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Uniqlo.

Comments

Popular Posts