Hula

 Tila may problema na talaga ang Organisasyon noong una pa lamang itong isangguni ng tatlong tagapangasiwa. Si Alfonso na isang Tikbalang, si Andres na isang Kababalaghan (kung ano man ang ibig sabihin nito sang-ayon sa tumitingin), at si Eloisa na isang Diwata. Bagaman itinayo ang Organisasyon gamit-gamit ang pinakamaringal na intensiyon, maraming mga bagay sa dilim pa rin ang sumisira sa pundasyon ng pagkakatatag nito.


Ang paksa ng dilim ay isang sensitibong bagay sa marami sa mga kasapi ng Organisasyon, subalit hindi ito maaaring hindi bigyan ng kaukulang pansin sapagkat naka-aapekto ito sa paraan ng pagbabasa ng mga taong kinapapaligiran ng mga mito at alamat. Ang organisadong pang-unawa sa maraming bagay ang sumasala sa kalidad ng mga motibasyon at sa kalidad ng mga paksain.

Maraming insidente ang naitala sa aklat ng kasaysayan na napatunayan mismo ng Lupon ng Organisasyon, kaya nga nagkaroon ng mga petisyon upang bumubo ng mga institusyon na mangangalaga sa maraming pwersa na patuloy ang pag-ganap, lalo na sa mga elemento ng pagku-kwento ng iba't-ibang hiwaga at mga tunggalian ng mga paksang tinutuya at pinagkakatiwalaan.

Dahil nga rito, naitatag ng Organisasyon ang Liga ng mga Kontrabida at ang Konseho ng Bida upang magbigay ng linaw at suporta sa mga nilalayon ng Organisasyon kung ikukumpara sa mga bagay na totoo, mga katotohanan ng mundo na nakatago, at mga damdaming nangangailangan ng pagsasaad sa isang munting tula o sa akdang dulot ng pagkamalikhain.

x----------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Coach x Peanuts bag.

Comments

Popular Posts