Alas

 Pilit hinahanap ni Beatrice ang mga ala-ala ng taong ito mula sa mga rehistro at sa mga maraming libro na nasa pag-iingat ng mga Kapitan ng Pangalan. Bilang Kontrabida, hindi sapat amg sarili niyang kakayahan upang magalugad ang misteryo na bumabalot sa kasaysayan at kalikasan ng taong kanyang hinahanap.

Basta ang tanging alam niya ay kolektor ng mga antigong bagay ang taong hinahanap niya. Bukod pa roon ay wala na siyang nalalaman pa. Subalit alam niyang may maitutulong sa kanya si Joaquin upang alamin ang kalakip na misteryo ng pangalan ng taong ito. Kailangan niya itong mahanap.


Ito lamang ang paraan na nakikita niya upang masagip ang kanyang Ama mula sa siguradong kamatayan. Hindi ang mga Aswang Pulis na ito ang kikitil sa kanilang mga pangarap. Alam niyang ang mga naliligaw na mga kaluluwa sa mga lugar na ito ay pilit na isinasakdal sa kanya kaya't kailangan muna nilang patayin ang kabuuan ng kanyang pagkakakilanlan bago pa man siya matiklo ng mga pekeng Pulis na ito.

Habang siya ay tinutugis ng mga iskalawag ay may dala siyang alas na ikagugulantang ng mga Aswang na ito. Hindi siya basta-basta susuko. Kung gusto nilang patayin ang kanyang diwa ay hindi niya isusuko ang kanyang sarili. Wala na siyang pakialam. Habulin nila ang ebidensiyang hawak niya kung gusto nila pero hindi sila magtatagumpay.

x---------x

Ang maikling kwento ay hatid ng Chowking.

Comments

Popular Posts