Pagtingin

Marahil tama sila.
O mali ako.
Ganoon naman talaga.
Iba-iba ang pagtingin ng tao sa lahat ng bagay.
May mga positibo ang tingin, at ang lahat ay nagiging maganda sa pananaw ng mga mata.
Pero mas marami ang negatibo.
Mas marami ang nagrereklamo.
Mga hindi makuntento sa mga bagay na narito na.


May mga taong gustong magkamit ng mga bagay, ngunit hindi marunong mangarap.
Hindi nila nais paghirapan ang gusto nilang marating sa buhay.
Ang pakiramdam pa nga nila, may utang ang mundo sa kanila.
Kaya't naniningil sila sa iba't-ibang paraan.
Madalas nga, mas marami ang Kontrabida sa mga Bida. Kung pelikula ang mundo, marahil walang nais manood.
Mahirap din naman kasing panoorin ang sarili mong kahangalan.
Malabo. Hindi tama.
Nakaririmarim siguro.
At hindi naman kasikatan ang mga karakter.
Ngunit ang mundo ay organisado sa kanyang pag-ikot. Marunong itong bumalanse.
Kung may kasamaan man, dumarating naman ang kabutihan.
Sa gitna ng pighati ay mababanaag ang tuwa.
Depende kung saan mo ilalapat ang iyong tingin. Malayo man o malapit.
Tiyak na may mabubuong perspektibo.

x----------x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts