Bagay

 Maraming bagay ang pilit itinago ng palihim hinggil sa totoong katauhan ni Joaquin. Maraming bagay. Mga bagay na hindi maaaring maintindihan ng mundong ito. Ang pagkakaunawa sa mga hindi nakikita ng mata ay itinuturing na karunungan mula sa pandaraya ng daigdig.

Dahil dito, tila naging bulag si Joaquin sa lahat ng bagay, kahit sa mga bagay na nakikita, sapagkat literal na ipinagkait sa kanya ang maraming katotohanan na bumubuo sa kalikasan ng buhay at ng mundong gumagalaw sa pamamagatan ng permiso ng makapangyarihang bumubuhay sa lahat ng organismong gumagalaw sa ibabaw ng mundo.


Ngunit hindi lamang sila ang buhay. Maraming mga bagay na hindi nakikita ang buhay, katulad ng mga ideya. Ang mga ideya ay nananahan sa isip ng mga ito. Isa itong boses na aktibong gumagalaw sa pananaw ng indibidwal; ito rin ang nagsasabi sa tao kung sino siya, bakit siya nabubuhay, at bakit importante sa lahat ang manindigan sa kung ano ang tama at mabuti.

Subalit kadalasan, ang mga ideya ay hindi makatotohanan sa kanyang paglalahad at maaring rumerepeke lamang sa iba't-ibang lugar kung nasaan ang mga palengke ng potensiyal na mamimili, upang daanin sa emosyon ang paglaganap ng mga kaisipang baluktot naman kung sadyang kikilatisin katulad ng isang tipak na diyamante sa Sanglaan.

Ang pagkabulag ni Joaquin ay maitutulad sa ganitong paghahambing. Tunay ngang isang kahihiyan ito at insulto sa kanyang katalinuhan, at sa marami pang taong kagaya niya. Ang mundo ay punong-puno talaga ng mga manloloko at kawatang nagkukubli sa mga ideyang ibinebenta ng libre.

Kaya't mag-ingat sa mga mandurukot sa dilim.

x----------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng MerryMart.

Comments

Popular Posts