Luwal

Walang Kinalaman Ang May-Akda
Sa Mga Opinyon Ng Tula Sa Ibaba:

Kung may kasalanan
Ang dila sa tula
Sa mga bagay na angkin
Kung isipin ay malalim
Sa pagluwal ng maikling kwento
At ng mga silid ng karanasan
Upang doon ay ilahad
Ang mga krimen sa lipunan
Upang sa pagtawa ng buhay
Naroon ang kalagayang pisikal
Nagmumuni-muni at nagdiriwang
Gaano man kasakit ang tarak
Ang balaraw ng karanasan


At ang kwarta
Ang salapi
Ang tubo
Doon namumuno
Kung saan malaki ang sahod
Sa buhay na puno ng diwa
Kumpleto at sagana
Patas at hindi nilamangan
Sa pag-aaruga ng mga Aswang
Upang sa abuso
Doon magmumula
Ang pangalan
Mga Kapitan
Tagapagsala ng pagkakakilanlan
Huwag nilang pagkatiwalaan
Tuso ang mga Kapitan!
Iyan ang sigaw ng bayan
Sa pagkakakilanlan
Ang mga Kapita'y namatay
Maging ang mga Kontrabida
Sila ay iniwan
Wala mang sumunod sa kanila
Maliban sa mga Aswang
Upang suungin, linangin
Hamon ng sariling baril
Huwag manigbuho
Bagkos ay hindi susuko
Ang ngalan na pangako

x----------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Oishi.

Comments

Popular Posts