Luma

KARATULA NG MANDARAMBONG

(at iba pang pompiyang na kiyeme na pilit itinatago sa kalinangan ng mundo, ng panitikan at rebolusyon ng wika at ng organisadong pag-gising sa mundong may kabaklaan at diskriminasyon)


Mula sa kanluran kung saan nagmumula
ang ihip ng malamig na hangin
at ang mga kalinangan ng pag-iisip
ng mga malikhaing dibuho
galing sa puso, sa isip, at sa mundo
upang maging malinaw
ang mga emosyon at aral
na nagmumula sa mga
kwento.

Sa simula
bagaman may mabuting gangarin
ang mga pagdidikta
ng mga kasamaan at kabutihan
na inaakusa sa mga kontrabida
at sa mga paratang na binibigyang linaw
ng mga bida, ng nga halinaw na
binibigyan ng ibang katuturan.

Ano ba ang mundo
kung hindi kalipunan ng mga
kahulugan
na binigyan ng pagpapahalaga
ng mga taong ginambala
mula sa malalayomg lupain
ng agraryo, ng mga kwentong mintis.

Hindi man maktwiran
ang mga batas at ang awtoridad
mga rebeldeng salita
na kinulapulan ng sinungaling
ng mga kasinungalingan
at mga pagnanakaw
sa diwang tulog
at nagtutulog-tulugan.

x---------x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts