Kapitan

 Kailangan na ngang mag-ingat ni Beatrice sa kanyang mga pagkilos. Unti-unti na kasing nabubulgar ng Organisasyon ang kanyang mga pailalim na mga banat kung kaya't hindi na maaaring magpatumpik-tumpik pa. Kung nais niyang maging kapani-paniwala, nararapat na gawin niya ito.

Sobrang bait naman ni Joaquin. Maiintindihan niya ang lahat.


Hindi na bale kung magulo man ng bahagya ang kanyang buhay. Sana'y naman si Joaquin sa mga pagsubok sa buhay. Kayang-kaya niyang dahil ang lahat ng problema. Hindi rin siya maramot upang pagkaitan siya nito ng nararapat na tulong.

Matatag si Joaquin at kaya niya itong panindigan.

Basta ang importante sa ngayon ay labanan ang awtoridad ng mga Aswang. Hindi sila nararapat na maging parte ng kapulisyahan sapagkat ninakaw lamang nila ito mula sa totoong humahawak ng posisyon. Ang mas may karapatan sa mga pagkilos ng Organisasyon ay ang mga Kapitan ng Pangalan.

x---------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Goldilocks.

Comments

Popular Posts