Paninira

 Nakita ko siyang muli, ang matalik kong kaibigan. Nagbalik na naman sa akin ang dati naming kwentuhan noon, tungkol sa buhay at sa aming mga pangarap. Wala kaming hindi napag-uusapan kapag nagkahuntahan na, kaya't nagkaalaman na rin kami ng aming mga sikreto sa buhay.

Hindi ko masyadong matandaan nang nagkwento sa akin si Isabel tungkol sa isang bagay na mahiwaga. Siguro dahil ang pakiramdam ko noon ay kathang-isip lamang ang mga kasaysayang inilahad sa akin. Noon, ang akala ko ay walang kabuluhan ang mga ganitong klaseng pangyayari sa ating mga buhay.


Tungkol ito sa isang silid. Pero tungkol din ito sa mga Aswang. Ewan ko ba, kahit hindi ko masyadong maintindihan ang pagkukwento ni Isabel ay parang ang sarap pakinggan ng kanyang mga sibasabi. Pinagsisisihan ko ngayon kung bakit hindi ako nakinig nang mabuti nung mga araw na iyon. Siguro mas makatutulong ako para pahupain ang sitwasyon tungkol sa mga Aswang na lumalaganap na sa aming tahimik na bayan.

Subalit heto na naman ako. May pagdududa na naman.

Pakiramdam ko kasi, marami nang dagdag-bawas ang mga kwentong aking naririnig. Parang may kasama nang paninira ang mga kwento, at ang iba ay parang hindi na kapani-paniwala sa pandinig. Wala rin silang masabi tungkol sa silid at sa mga organisadong pagkilos na siyang bumubuo sa mga kwento ng buhay.

Bakit sinisiraan ang mga Aswang?

Totoo nga ang aking mga hinala. Organisado rin ang mga kasinungalingan.

x--------x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts