Pakialam

Ang mga bangkay ng iyong mga lingkod
ay ibinigay nila na pagkain sa mga ibon
sa himpapawid, ang laman ng iyong
mga banal ay sa mga hayop sa lupa.

Mga Awit 79:2

-o0o-


Nakikita ko sa kanyang mga mata ang
kulay ng dugo, bagaman alam kong siya
ay patay na. Mapang-akit ito at may taglay
ganda. Habang umiihip ang hangin
ay nakadarama ako ng 
kakaibang kasiyahan.
May halimuyak na nakakawili,
tila nawawala ang problema ng mundo.
Bagaman may takot, hindi ko ito
inaalintana.

Isa siyang Aswang.

Ano naman ngayon? Pinakikialaman
ba nila kung ang kasama nila
ay Kontranida? Hindi ba mas
ipokrito ang Liga kaysa sa mga pulis
na tungkulin lamang nila ang sinasadya?
O ang mga Bida kaya? Hindi ba puno rin
ng mga misteryo ang Konseho
sa kanilang mga desisyon?
Anong klaseng korte mayroon ang
mga Bida kapag kinakailangan
ng mga Kontrabida na kumilos
upang mag-imbestiga kung
pinaboran na nang labis 
ang Konseho ang mga
paratang na hindi totoo?

Sila ang masama! Sila ang ipokrito!

Walang pakialam ang Organisasyon.
Ang korupsyon ay organisadong pagkilos
upang tayo ay linlangin. Hindi sila
ang mga karakter na magsasalba sa mga
pagmamalabis sa ating mga kwento.
Nakalagay man sa isang Aklat ang lahat
ng mga mabubuting bagay, hindi
naman lahat ng nakabasa ay may puso.

x---------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Max's Restaurant.

Comments

Popular Posts