Lakad

Tama siya. Marami ngang mga kaluluwa ang dumaraan sa portal na ito. Subalit hindi tulad ng iba, tila walang direksyon ang kanilang mga pagkilos. May iba na lumalakad nang matulin. Ang iba naman, tila hindi mapakali. Pero isa lang ang alam kong totoo sa kanilang lahat. Sila ay mga kaluluwang ligaw.

Ang portal na ito ay isang pintuan na nakatayo sa gitna ng silid, subalit walang pader na sumusuporta rito. Nakabukas ang pintuang ito, at mula rito ay lumalakad ang mga kaluluwa. Kumg may pumapasok at marami rin ang lumalabas. Kung saan man patungo ang mga kaluluwa ay hindi niya nalalaman.


Palakad-lakad lang naman sila. Wala naman silang ibang ginagawa kung hindi damhin ang lakas ng pagtawag sa kanilang mga pangalan. May mga pangalang binibigkas ng marahan, at may mga oangalang sinisigaw.

Minsan, mas marahas ang pagkakasigaw kung kaya't tumitimo ang ibang mga pangalan na siya namang umuukit sa mga marmol. Ang marmol na ito ay katulad sa mga lapida na natatagpuan sa mga libingan ng mga patay.

Tuwing umuukit ang pangalan ng mga kaluluwa mula sa mga pasigaw na pagkakasabi nito mula roon sa pintuan na walang pader, sa gitna ng silid, ay tila guamagaan ang kanilang mga pasanin. Hindi na sila naliligaw. Alam niya ito bilang isang Kontrabida. Nararamdaman niya ito.

Kung ano man ang dahilan kung bakit ipinadala siya ng Liga ng mga Kontrabida sa dakong ito, mukhang seryoso ang lagay nito at may matinding misteryo ang kasong ito.

x----------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Uniqlo.

Comments

Popular Posts