Tubig

 Naaalala ko pa nang malinaw ang buong pangyayari, kung saan walang-awa siyang nilunod ng kanyang asawa. Dinig na dinig ko pa rin ang mga sigaw habang pilit niyang nilalabanan ang kamatayan. Hindi nag-aksaya ng panahon ang lalaking iyon at sa ilang sandali lamang ay namatay na siya.

Habang pinagmamasdan ko ang karumaldumal na pagpatay ay may napansin akong kakaiba. Bagaman madalim at walang buwan noong gabing iyon, kitang-kita ko ang anino ng isang tao sa tabi mismo ng ginagawang pagpatay. Pilit kong inaninag kung sino iyon para malaman kung bakit hindi niya pinipigilan ang lalaking pilit na pinapatay ang kanyang asawa.

Marahil ay magkasabwat silang dalawa.


Pero habang pinagmamasdan ko sila, nabigla ako sa aking nakita. Hindi tao ang nakatayo malapit sa kanila kung hindi isang Aswang. Kinilabutan ako sa mga nakita ko at nakaramdam ako ng matinding takot.
,
Bagaman may pangamba at labis na nahihiwagaan, pinilit ko pa ring pinagmasdan ang nagagganap. Matapos nga na mamatay na ang babaeng nilulunod ay mabilis na itong tumakas, subalit naiwan pa rin ang Aswang sa dalampasigan. Nakatitig lamang ito sa katawan ng babae na wala nang buhay. Kung bakit, hindi ko na nalaman pa.

Matapos ang  insidenteng iyon ay nagsimula na ang mga paramdam sa akin ng iba't-ibang uri ng mga multo. Nananadya na sila. Pilit man akong tumakas mula sa kanilang pangangambala ay hindi ko na magawang tumakas mula sa pait ng kanilang presensiya.

Malupit sila, at tila organisado ang kanilang mga pagkilos.

x---------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Savemore.

Comments

Popular Posts