Tinta

Matagal na niyang binabalak na tumakas mula sa kanilang lupain sapagkat ito ay binabalot ng misteryo at hiwaga. Alam ni Mateo ang sinasabi ng Aswang sa kanya sapagkat matagal na niya itong nararamdaman, at simula noong pinigyan siya ng tinta ng pulahan, nakikita na niya ang mga naliligaw na mga kaluluwa.

Noong una ay nagdadalawang isip pa siya kung tatanggap ng tulong mula sa Aswang sapagkat hindi niya alam kung pinapasakay lamang siya ni 'to at sa huli ay ipapahamak din siya nito. Hindi ba't kumakain din ng tao ang mga Aswang? Bakit siya magtitiwala agad-agad?


Naunawaan naman ng Aswang ang mga agam-agam ni Mateo at nagpasalamat pa ito sa kanya sapagkat ang pagdududa sa lahat ng bagay ay isang mabuting senyales ng matinong kaisipan. Unti-unti ay ipinadama sa kanya ng Aswang na marapat na siya ay pagkatiwalaan hanggang sa nakumbinsi na niya si Mateo na tumanggap ng tulong mula sa kanya.

Ang mga Aswang ay mula lamang sa mga alamat at ang janilang kalikasan ay depende sa mga bida at kontrabida. At dahil nga sa sila ay nahalal bilang maging kapulisyahan muli ng Organisasyon, sila ngayon ay sumasagot sa lahat ng hinihingi ng bawat panig, walang kinakampihan, at tumutugma sa pagpapatupad ng mga batas.

Kinailangan pa nga ng Aswang na ipagamit kay Mateo ang mga sagragong tinta upang makita ang mga kaluluwang naghahanap ng naidadamay.

Iba pala ang nararamdaman mo lang sa tunay mo bang nakikita. Hindi pala sila kaluluwang ligaw, akala lang pala natin 'yun.

Mga halimaw pala sila.

x----------x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts