Sandali

Siyang nag-iingat ng kanyang bibig,
nag-iingat ng kanyang buhay: ngunit siyang
nagbubukang maluwang ng kanyang
mga labi ay magkakaroon ng kapahamakan.

Kawikaan 13:3

-o0o-

Marahil sa gitna ng kawalan
Makikita ang mga tula 
At saysay nitong buhay
Bagaman may panaghoy
Na nauukol sa pagkabigo, 
At sa tanaw ng mga tao

Ganoon din naman
Mga mito at alamat
Tinig ng isang arte
Malumanay sa kanya
Kaaya-aya ang mga postura
Sa tubig ng diwa
Sa isip ng pagsulat
Sa pamantasan ang ulirat


Isang silid na may hawla
Mga banta ng pagkabata
Pilit siya'ng umiiwas
Sa mga salita at tikas
Mga verbo sa bersikulo
Nanunuya ng lipunan
Pilit ang mga pagtakas 
Kanyang responsibilidad

Sining at istorya
Gamit ay sandata
Mga lapis at papel
Pati na ang mga diwang
Sagad sa pang-unawa
Subalit may tanda
Ang tinta ng diwa
Mga Aswang at kaluluwa
Tunay na biktima

Walang anuman
Itinakda ng panahon
Sa lahat ng lagusan
Sila ay umahon
Bagaman may alinlangan
Sa tawag ng panahon
Kontrabida noon
Ngayon ay isang preso

Kumilos at lumaban!
Organisadong pagkuda, isigaw
Patalsikin ang alamat
Laban sa mga kaunting uri
Na naghahari sa lansangan
Huwag pumikit, bagkos ay ikiling
Masdan ang tanikala
Wasakin ang alimura
Lumaban! Diwa'y isigaw!
Organisasyon ay ibagsak!
Sila ay lumayas!

Nasaan sila sa pighati?
Bakit ngayon sila ay galit?
Anong pagnanakaw
itong sila naman ang lumabis?
Kung salita'y matalim na guhit
Pagdurugo ng mga kawatan
Ay tiyak magkakamit

Naghahasik ba sila ng pagkatakot
Sa panununog ng matayog?
Silang mga Aswang
Sa silid nga'y takot
Isang bintana o pinto
Patungo sa isang lugar
Mahiwaga at banal
Organisadong pangongotong
Tunay nga, tunay nga!

Ang Tula ng Tulisan
Inspirado ni Gat Jose Rizal

x---------x

Ang tula ay inihatid ng CityMall.

Comments

Popular Posts