Dugo

 Doon ko na lang nalaman na importante pala ang dugo ng tao para sa Organisasyon, kaya pala madalas mahalal ang mga Aswang bilang tagapagpatupad ng mga batas. Ang dugo raw kasi ay nangangahulugan na ang buhay ay patuloy na umiiral, kaya nga ang kapasidad na tumukoy sa pinanggagalingan ng dugo ay isang nakakamamghang katangian.

Madalas ngang ginagamit ang pulahan sa lahat ng operasyon ng kapulisyahan sa kwentong ito. Ang pagsasaboy nga ng mga tinta ay isa sa mga mabisang paraan upang ibuking ang presensiya ng mga multo lalo na ang mga masasamang espiritu.


Ayon sa Organisasyon, ang tintang pulahan ay nakagagapi sa mga masasamang intensiyon ng mga elementong hindi nakikita. Sa pamamagitan nga ng mga tinta at kapangyarihang nauukol sa pulahan bilang katumbas ng dugo ay tunay ngang kagimbal-gimbal.

Sa paglipas nga ng panahon, maraming mga bagay ang sadyang nagbabago. Maraming klase ng pag-unlad ang namayagpag sa paglipas ng panahon, at isa sa mga pagbabagong ito ay ang pagbuti ng kalagayang pisikal ng Liga ng mga Kontrabida.

At kaakibat nga ng mga pag-unlad ay ang pagnanais na makibahagi at makilahok sa pagpapalakad ng mga bagay-bagay sa sariling lipunan.

Ninais na ng Liga ng mga Kontrabida na gumanap bilang mga pulis, subalit ito ay humarap sa isang matinding pagtutol sa mga kasapi ng Organisasyon. Tila marami sa kanila ang hindi pa handa na harapin ang mga pagbabagong iniaalok ng panahon.

x---------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng S&R Philippines.

Comments

Popular Posts