Verbo

Salita: 

Saan nanggagaling
ang mga panaghoy, ang iyak
ng mga kaluluwang namumulot
ng halaga at kwenta?
Paano sinusuri ninuman
ang tindig at pwersa ng pag-ibig?
Nasaan silang naliligaw?
Bakit sila naging bida sa paanan
ng mga taong lumilingap sa
matinding paksa ng kawalan?
O kaya silang kontrabida sa mga bagay
na pinagmumulan ng katiwalian
ng mga isip na salat?

O, giliw nasaan ka na?
Bakit lumisan sa iyong pangakong
pinanghawakan ng mga umaasa?
Sa iyong taglay na pag-asang
pumupuno sa uhaw sa kalinga?
Kung ako ma'y mali
bakit iyong hinusgahan?
Nasaan na ang kaibigang
sa lahat ng bagay ay dumaramay?


Ngunit pait at dusa, aking dinanas
Sa mga sinungaling na puso
at mga pag-iisip na kawatan
Iyong ipinakita mga diwang malamlam
Mga salitang hungkag
Mga kilos na mapagpaimbabaw
Ako nga'y iyong nasilo
Isa nga akong hangal

Huwag ninyo akong insultuhin!
Hindi isang Aswang ang puputol
sa aking minimithi
Hindi ikaw ang kikitil
sa mga pangarap kong tangan
bagaman ginawa mo itong lagim!
Ikaw ang dapat bumaba
sa taas ng iyong pagkakagunita
wala kang kwenta
Ikaw ang tunay na may sala!

Kung nasaan ka man
ikaw na ang dulot ay masama
Huwag kang mag-alala
Ika'y daranas sa twina
ng mga bungang malala
At sa iyong pagbagsak
pinatay na diwa
wala nang pakiramdam
wala na nga

x--------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Uniqlo.

Comments

Popular Posts