Kinauukulan

Ang Organisasyon ay may nakaraang hindi malinaw na nasasaad maging sa mga kasaysayang nasusulat sa mga aklat. Maging ang pagkakabuo sa Liga ng mga Kontrabida at ang Konseho ng Bida ay hindi eksakto ang mga paglalahad, at walang sinuman ang tunay na may alam sa lahat ng nakaraan.

Subalit sa gitna ng lahat ng ito, iisa lang ang sigurado: sila ang mga kinauukulan.

Kung bakit sila ang kinauukulan ay nauukol sa kanilang mga kapangyarihan. Ang mga kapangyarihang ito ay nakaugat sa mga pakiramdam at nararamdaman ng mga taong kanilang pilit na binabantayan, upang ang lahat ay magabayan at hindi mapariwara ang sino man.


Tunay nga na sila ay matutulad sa mga Anghel. At tunay nga na totoo ang mga masasamang espiritu na nanggugulo at naninilo ng mga kaluluwang ligaw, maging ang mga kaluluwang buhay pa.

Ang pag-uukol na ito ay isang mabigat na responsibilidad, lalo na sa paningin ng Lupon ng Organisasyon, silang mga tagapagpayo sa ikatatahimik ng lahat, sa mga katarungan at kapayapaan na ninanais ng lahat, sa mga tugon upang maging posible ang makatwirang pagbabalanse ng mga hamon sa buhay, at higit sa lahat, upang igapi ang masasamang espiritu.

Subalit ang mga masasamang espiritu na ito ay mga nilalang na hindi nakikita, kaya't upang sila ay tuluyang nahuli gamit ang awtoridad ng Lupon ng Organisasyon, sila ay kinakailangang matukoy ng mga Aswang Pulis bilang mga pulahan.

x--------x

Ang maikling kwento ay hatid ng Forever 21.

Comments

Popular Posts