Giniit

 Wala naman sa plano ko ang makakita ng Aswang o kahit ano pa mang mga karakter na galing sa mga mito at alamat ng Pilipinas, subalit narito na ako ngayon. Pakiramdam ko nga, para akong pinaglalaruan ng tadhana kasi hindi ko naman ninais na pumasok sa ganitong klase ng gulo.

Ang sabi nila, ang mga Aswang daw ay nahalal muli bilang tagapagpatupad ng batas subalit marami ang tumututol dito mula sa mga kasapi ng Organisasyon. Marami ang nag-aalala sa mga isyu ng ipinupukol sa mga Aswang, at marami ang sumasang-ayon na dapat silang magpaliwanag hinggil sa mga isyung ito.


Ngunit nananatili pa rin na Pulis ang mga Aswang, sapagkat nakakuha pa rin sila ng suporta ng mayorya bagaman sa napakaliit na lamang.

Unti-unti na ngang nasisira ang imahe ng mga Aswang. Ilan nga sa mga isyung ito ay hinggil sa naging reklamo ng kampo ni Beatrice, at ang mga kababalaghan na hindi awtorisado at namamayagpag na lang kung saan-saan.

Nawawala na rin daw ang kaayusan sa pagitan ng mga Bida at Kontrabida dahil sa mga kapabayaan ng mga Aswang, subalit lahat naman ng mga ito ay sinagot ng mga Aswang na may kalakip na tapang at sinseridad.

Ginigiit nila ang mga sari-saring kapintasan ng mga institusyon ng Organisasyon, at pakiramdam ni Mateo ay muli siyang naiipit sa isang mahiwagang girian.

x---------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Maya Bank.

Comments

Popular Posts