Tanaw

"Kung paanong nakuha ni Beatrice ang mga elemento sa buhay ni Joaquin upang ibukas ang kanyang third eye ay kailangan pang imbestigahan ng masusi. Ito marahil ang balik-tanaw na ninanais ng pagkakataon upang malaman natin ang puno't dulo ng lahat ng ito," panimula ng Tagapangulo ng Lupon ng Organisasyon.

"Hindi ba't kasalanan ito ng Liga ng mga Kontrabida? Ang buong akala ko ay plantsado nang lahat ang mga bagay na nauukol sa kasong ito," tugon naman ng isang Kasapi ng Lupon.

"Kailangan nating mag-imbestiga rin sa ating sariling lebel," sagot ng Tagapangulo.


"Ano ang ibig sabihin nito? Pinagdududahan ba ninyo ang katapatan ng mga Kontrabida?"

"Hindi nga ba?" tanong ng Tagapangulo. "Wala nga ba silang kinalaman sa mga bagay na ito? Hindi natin malalaman ang kasagutan sa ating mga tanong kung hindi tayo mag-iimbestiga."

"Hindi maaari ito," tutol ng isang Kasapi.

"Kung tumututol ka ay nararapat lamang na pagbotohan natin ang bagay na ito. Malakas ang kutob ko na may sabotaheng nagaganap sapagkat hindi mahuli-huli ng mga Aswang Pulis ang Beatrice na ito."

"Ano ang ibig ninyong sabihin? Ano ang balak ng Organisasyon?"

Napuno ng takot ang kanyang tinig. Hindi kaya?

"Palagay ko ay alam mo na rin ang dapat maganap," tugon ng Tagapangulo.

Nanlaki ang kanyang mga mata. Karumal-dumal ang mga susunod na eksenang magaganap.

"Huwag! Huwag! Pinilit lamang nila ako! Hindi ko ginusto ang mga bagay na ito!"

x---------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng The French Baker.

Comments

Popular Posts