Salat


Mula sa kaibuturan
Nanaog ang mga dahilan
Bagaman hindi maintindihan
Lumapit, unti-unti
Mga tukso ng pagkakataon
Marahil dahilan ng laro
Walang dapat pagsisihan pa
Ang naganap ay naganap na

Pasensiya, mula sa loob
Upang pagnilayan ang kutob
Mga pwersa ng lobo
Mga Aswang ang nanloko
Anong saklap ng mga bahagi?
Na siyang pinagkunan ng lahi?
Talo man sa minimithi
Iyan nga ang sinabi

Sa lahat ng tanan
May kulang sa karanasan
Mga motibo ng nakaraan
Sayang nga naman

Nakakulong
Nakapiit
Diwa ma'y saglit
Dito sa munting silid
Nakadikit
Ang takot sa dilim

Beatrice, Joaquin
Mga pangalang naging sanhi
Ng mga kwentong masidhi
Ikinalat  ipinagkamali
Walang tunay na nasambit
Sa loob ng bahay at silid
May presensiyang
Hindi kailan man mawaglit

x--------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Coffee Project.

Comments

Popular Posts