Pulong

Kasalukuyang nagpupulong ang Lupon ng Organisasyon hinggil sa nangyaring insidente sa mga Aswang Pulis kung saan nasaksihan ni Joaquin ang lahat ng mga itinatago ni Beatrice sa kanya. Nagkaroon nga ng komprontasyon na nagresulta sa pagitan ng mga Kontrabida at mga Aswang Pulis.

"Nalalaman na ba ni Joaquin ang lahat?" tanong ng Tagapangulo ng Lupon. "Hindi ba niya naalala kung sino ang nakatira sa bahay na iyon?"

Isa sa mga Kagawad ng Lupon ang nagsalita upang sagutin ang tanong.


"Maaaring naramdaman niya ang mga panaghoy."

"Naramdaman lamang? Walang kasiguruhan? Hindi niya makita ang tunay na mga pangyayari sa bahay na iyon? Hindi ba't mahigpit ang pagbabantay ng Liga ng mga Kontrabida sa mga silid ng bahay upang hindi na kumalat ang awra ng kalaban?"

Tumango ang Kagawad. "Nagkaroon nga ng komplikasyon sa iba't-ibang awra kung kaya't ipinatawag ang mga Aswang Pulis sa lugar. Ito rin ang nagbunsod kay Joaquin at sa mga Spirit Questors upang mag-imbistiga sa lahat ng mga sinabi sa kanya ni Beatrice."

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Lahat ay nag-aalala sa magiging kalagayan ni Joaquin.

"Nalalaman na ba niya kung sino siya?"

Walang nagtangkang magsalita. Alam nilang lahat ang sagot sa tanong na ito.

"Nanganganib nga ang kanyang buhay."

x---------x

Ang maiklimg kwento ay inihatid ng Goldilocks Bakeshop.

Comments

Popular Posts