Pagpapakilala

Nagmamadali si Joaquin at ang iba pang mga Spirit Questors upang puntahan ang isang bahay kung saan sinabi ni Beatrice matatapagpuan ang magiging susunod na biktima. Pagdating nila roon, nakakita sila ng mga Aswang Pulis sa labas, dahilan upang mapawi kahit kaunti ang kanilang takot.

Habang lumalapit sila patungo sa bahay ay nakakarinig sila ng mga sigaw na parang may away na nangyayari sa loob. Ang mga Aswang Pulis naman sa labas ay nakatuon ang atensiyon sa lahat ng pinto at bakod palabas ng bahay. Parang nahihirapan ang sigaw na nagmumula sa bahay at lubha itong nakakatakot.


Lumipas pa ang ilang sandali at nagkagulo na bigla. Ang mga gintong rebolber ay ipinutok mula sa loob habang gumanti rin ang mga Aswang Pulis ng sarili nilang pag-atake. Dinig na dinig ng mga Indiolo (ang tawag ng Organisasyon sa mga pangkaraniwang tao) ang mga pangyayari habang lumilipad sa ere ang mga tumatalsik na bala ng mga gintong rebolber.

"Wala kayong hurisdiksyon sa kasong ito! Lumayo kayo at hayaan ninyong gawin ng Kapulisyahan ang kanyang tungkulin!"

Umaalingaw-ngaw ang boses ng Tinyente ng mga Aswang Pulis habang tuloy sa pag-atake mula sa loob ang mga Kontrabida.

"Ibigay ninyo sa amin ang suspek at walang magigiling problema. Hindi kayo otorisado ng Liga ng mga Kontrabida na gawin ito. Itigil ninyo ito. Sumuko kayo ng maayos!"

Alam na ni Joaquin kung ano ang kanyang susunod na gagawin. Oras na upang burahin ang memorya ng mga Indiolo. Ito nga ang kanyang silbi bilang Bida-Kontrabida.

x--------x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts