Ligalig

 Marami talagang bagay sa mundo ang hindi lubusang maunawaan ng mga tao tungkol sa hiwaga ng buhay, at sa mga bagay na hindi kayang ipaliwanag ng agham, sining, sikolohiya, at iba pang disiplina na pilit umuunawa sa estado ng buhay. Maraming aspeto ng pagkatao ang bumubuhay sa sigla ng buhay, at nagbibigay kuntento sa maraming grasya na dulot nito.

Wala naman talagang napapansin ang marami sa mga tao kung wala namang nang-aabala ng normal niyang ginagawa sa pangkaraniwang araw, subalit nagiging maligalig naman kung may kakaibang hiwaga ang bumabalot sa sarili niyang diwa at katawan.


Sa ganitong paraan nagsisimulang pumasok ang lahat ng takot at agam-agam hinggil sa mga bagay at elemento na hindi naman niya pinapansin noong una, sapagkat pilit niyang itinatakwil ang mga bagay na ito sa kanyang gunita. Para sa kanya, kathang-isip lamang ang mga ito, mga walang kwentang paniniwala na nakaugat sa mga ginagawa ng mga kulto at mga singaw ng lupa.

Subalit totoo nga ang lahat. May mga masasamang espiritu talaga ang gumagala sa mga lupaing ito. Ang marami sa kanila ay naghahanap ng mga mabibiktimang kaluluwa sa pamamagitan ng pangungumbinsi sa mga ito na hindi totoo ang mga kwentong isinasaad ng mga panitikan.

Para sa mga biktima, walang kwento ang magiging sapat upang ma-i-larawan sa mga iniiyak ng mga mata at ikinahahapdi ng pusong umiibig ang katotohanan ng buhay. Dahil sa hindi lubusang pagka-unawa sa mga katotohanan ng buhay na nanggagaling sa mga aklat at tula, sila ay nagiging salat sa mga katotohanang itinatago ng buhay upang ito ay ma-i-bulgar para malaman ng mundo, at makaiwas sa masasamang uri ng propaganda na naglipana sa mga kalye at maingay na palengke.

x--------x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts