Siguro

Siguro marami sa atin ang katulad ni Joaquin. Walang kamalay-malay sa mga pangyayari sa paligid niya. Hindi inaalintana ang mga kapahamakan na maaaring mangyari sa kanya. At sa gitna ng lahat ng ito, kahit na anong mangyari, marunong pa rin magmahal ang sugatang puso.


Siguro nga, ganyan talaga ang pag-ibig. Minsan bulag. Pero madalas, handang harapin kung ano man ang mga hadlang para sa minamahal. Pag-ibig na marunong lumaban. Hindi nabubulagan kung kailangang gumising at lumago. Gigising kung hinaharana ang puso.

Siguro, nalilito na rin si Joaquin sa kung ano ang totoo at kung ano ang hindi tama. Bakit kailangan niyang mamili sa mga pagkakataong mahirap gampanan ang dapat mangyari? Nagbibiro ba ang tadhana? Ang buhay ba ay isang laro?

Siguro nga.

Siguro rin, maraming bagay ang dapat mabulgar. May mga bagay na kailangan ang puso upang ito ay mamulat sa kasarinlan. Kailangang lumaya ang puso sa tanikala at gapos ng nakaraan upang harapin ang hamon ng bukas.

Siguro.

Siguro nga talaga.

x--------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng SMDC.

Comments

Popular Posts