Kutob

"Matagal mo nang nararamdaman, hindi ba? Parang may mali sa umpisa pa lang? Pero mahal mo na siya?"

"Hindi ko talaga alam sa totoo lang. Pero may kutob na ako."

"Kutob na ano?"

"Na mali ang nararamdaman ko. Gaya ng sabi mo."

"Kung mali, e bakit gusto mo pa rin siyang tulungan? Hindi ba tumutulong ka na ring lumaganap ang kamalian kapag ganoon ang ginawa mo?"


"Hindi naman lahat ng gumagawa ng kamalian ay ang tunay na may kasalanan."

"Sa tingin mo ba inosente siya? Hindi pa naging mali kailanman ang Organisasyon."

"Kung mali, mali. Hindi ba? Pero huwag nating ipagkait ang tulong natin."

"Paano natin siya matutulungan kung ganito?"

"Paano?"

"Oo. Paano kung may mali?"

"Hindi naman na mahalaga ang nakaraan."

x--------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Uniqlo.

Comments

Popular Posts